"Local Bands Unite: Music Extravaganza sa Media House Express!"

October 13, 2023

TIRSO PAGLICAWAN

Sa kasalukuyang buwan ng Oktubre, kami ay malugod na nag-aanyaya sa lahat ng mga lokal na banda upang magpakitang-talento sa studio ng Media House Express tuwing gabi.

Live tugtugan at kantahan sa "Night Cap" show, na pinalalabas tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes mula 7-8 PM!

Ang Media House Express, ay nagbibigay daan para maipakita ang inyong musika at talento.

Hindi mahalaga kung baguhan o beterano ka sa mundo ng musika. Ang mahalaga ay ang pagkakaibigan at pagpapamalas ng inyong puso sa bawat tugtog.

Sa paglahok sa aming programa, hindi lang kayo nagbibigay-aliw sa mga manonood, kundi nagbibigay rin kayo ng inspirasyon sa iba pa na madiskubre ang kanilang talento sa musika.

Magsama-sama tayo at gawing makulay ang buwan ng Oktubre! Kung interesado ka, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa aming Facebook page o mag-email sa mediahouseexpress@gmail.com. Huwag kalimutang isama ang pangalan ng iyong banda, mga miyembro, at ang inyong genre ng musika.

Sa Media House Express, pinahahalagahan namin ang lokal na musika. Magkita-kita tayo sa "Night Cap" show para sa isang masayang gabi ng tunog at talento.

-Admin

Share this post: