19 Thousand pesos na maleta, nakuha sa halagang 80 Pesos lang!

March 16, 2024

CHRIS LUCAS

Kasalukuyan pa rin ginaganap ang #WorldTravelExpo sa Glorietta 4 Activity Center sa Makati City at ito ay magtatapos bukas araw ng linggo March 17, 2024.

Hindi inaasahan na ang araw na ito (March 16,2024) ay magiging isa sa pinakamapalad na araw kay Christopher "Chuck" Acosta.

"I attended the event in support for Media House Express and to see the other exhibitors we featured sa Shoptertainment, nagbayad ako ng 80 pesos na entrance fee, bago ko pa maenjoy ang aking pagkakaupo, biglang tinawag ako sa stage." - Chuck during the interview

Ang nasabing event ay mayroon surprise raffle courtesy of exhibitors' para sa mga magpupunta sa event,

"Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon! Hindi ako nageexpect ng anything pero 80 pesos entrance fee kapalit 19 thousand pesos worth of travel luggage!" - Chuck

Mr. Dino Dacanay of Innovator Philippines awarded the travel luggage on-stage to the winner Mr. Christopher Chuck Acosta of Media House Express!

Sa mga mahilig mag-travel at naghahanap ng mga best deals, maari pa rin kayo pumunta sa World Travel Expo held at Glorietta 4 Activity Center sa Makati City.



Share this post: