Cashless Expo 2023: Kauna una-unahang “Cashless” event sa Pilipinas

November 05, 2023

TIRSO PAGLICAWAN

Ang Department of Trade and Industry, Department of Agriculture, at ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay maglulunsad ng kauna-unahang Cashless Expo sa bansa ngayong paparating na November 17 - 19, 2023 sa tulong ng GoDigital Pilipinas. Layunin ng Cashless Expo 2023 na hikayatin ang mga MSMEs (micro, small, medium enterprises) na gawing “cashless” o digital ang kanilang pamamaraan at palawigin ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya.

Layunin din ng Cashless Expo 2023 na magbigay kaalaman sa mga dadalo sa pamamagitan ng pag-highlight ng mga benepisyo na dala ng cashless transactions. Ang tatlong araw na event ay kinakalahukan ng iba’t ibang MSMEs exhibitors mula sa iba’t ibang industriya at lugar sa bansa kung saan tanging digital payments gaya ng e-wallet, cards, at online bank transfer lamang ang pwedeng gamitin sa pagbenta at pagbili.

Ang Cashless Expo 2023 ay suportado ng iba’t ibang industry leaders sa bansa gaya ng Maya, PLDT, Unionbank, Visa, Tiktok, Gcash, at iba pa. Ang makasaysayang event ay gaganapin sa World Trade Center, Pasay City, Manila, Inaasahang libo libong exhibitors at visitors ang dadalo na nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Share this post: